Submitted by webadmin on Thu, 2012-10-04 15:46
Noong Nobyembre 17, 2011, itinalagang bagong direktor ng SWF Manila si Prop. Odessa N. Joson ng Departamento ng Arte at Komunikasyon, Kolehiyo ng Agham at Sining. Isang guro sa wika at panitikan, nagsilbing tagapag-ugnay si Prop. Joson ng Office of Anti-Sexual Harassment noong 2010-2011. Isa sa mga pangunahing layunin ni Prop. Joson ay ang mailapit ang SWF Manila sa komunidad ng UP Manila alinsunod sa Patakarang Pangwika ng UP (1989). Tungo sa layunin ito, binuksan sa unang pagkakataon ang website na ito.
Submitted by webadmin on Wed, 2013-01-23 09:41
Larong Pangwika*
La-rô png 1: gawain bilang pag-aaliw: 2: ehersisyo
Wi-kà png 1: sistema ng tunog na gumagamit ng arbitraryong senyas sa pinagkaisahang paraan at pakahulugan
Batis: UP Diksiyonaryong Filipino(2001)
*Isang proyektong ang layunin ay mailapit ang wikang Filipino at ibang wika sa Pilipinas sa komunidad ng UP Manila. Inaanyayahang sumali ang mga estudyante, guro, kawani ng UP Manila. Tara, laro tayo!
Detalye ng Larong Pangwika:
Submitted by webadmin on Sat, 2012-12-08 00:00
Ginanap ang Taunang Workshop sa Pagsasalin noong Disyembre 7, 2012 sa opisina ng Sentro ng Wikang Filipino. Dumating sa naturang workshop ang mga tagasalin na sina Prop. Carolina S. Pulumbarit, Dr. Josephine D. Agapito, Bb. Mae Lin Jiwani Lactaoen, Gng. Patricia I. Marquez at Gng. Sheila Mae D. Comadizo at pinangunahan ni Prop. Odessa N. Joson.
Submitted by webadmin on Fri, 2012-11-30 00:00
Dinaluhan nila Dr. Isidro C. Sia, Prop. Merle F. Mejico at Bb. Rosemarie O. Roque ang kauna-unahang workshop sa editing na pinangunahan ng direktor ng SWF na si Prop. Odessa N. Joson. Ito ay ginanap noong Nobyembre 29, 2012 sa opisina ng Sentro ng Wikang Filipino.
Submitted by webadmin on Wed, 2012-09-12 00:00
Ginunita ng buong UP Manila ang Buwan ng Wika 2012 sa tulong ng Sentro ng Wikang Filipino. Sa pamamagitan ng iba’t ibang programa na inihanda ng SWF at CAS Student Council, napagbuklod ang mga kolehiyo at tanggapan.
Submitted by webadmin on Sat, 2012-07-28 00:00
Naging matagumpay ang naging unang Pinoy Memo workshop na ginanap nuong Hulyo 27, 2012 sa ILC Classroom at dinaluhan ng mga kawani mula sa Office of the University Registrar, Pambansang Sentro ng Pagsasanay ng Guro sa Propesyong Pangkalusugan, Opisinang Pang-Gradwado sa Agham Pangkalusugan at Opisina ng Gawaing Pang-Mag-aaral.